Life isn't about waiting for the storm to pass, it's about learning to dance in the rain

Thursday, January 31, 2013

Nakakatanga

Bakit ba napakabilis niyang sumuko? Kalalaking tao eh. Ugh. Bakit feeling ko ako lang yung lumalaban? :((Ayoko naman magmukhang tanga pagdating ng dulo. Sa totoo lang, nanghihina talaga ako ngayon. And sumasakit talaga puso ko, seriously. Ewan ko, pero baka kelangan ko na ata talaga makinig sa mga kaibigan ko. Bakit ba kasi nilalabas ko lahat ng pagmamahal ko... Bakit ba kasi :((( Nasasaktan talaga ako. Sure ba syang yun lang talaga ang dahilan? Distance? Eh kasi honestly speaking, magagawan naman talaga ng paraan yan eh. To think na pareho lang kaming taga-Naic and I doubt na buong araw ng Saturday and Sunday eh may ginagawa kami pareho. Ugh :(((
Mahal ko talaga siya. Ayoko matapos lahat 'to ng ganito lang. Pero bakit parang ako lang talaga yung lumalabaaan :((( Diba dapat pag mahal mo, kaya mo gawin lahat? Ewan ko ha. Parang nababawasan na talaga ako ng tiwala sa boys. Shet. Pare-pareho lang naman ata talaga kayo eh. Naiinis ako na nadidisappoint na ewan uuugggghhh
Nakakapagtakang di na ako umiiyak ngayon. Siguro pagod na rin ang mata ko kakaiyak sa ganitong problema.

Monday, January 28, 2013

Hayyy

Mejo nawala na rin ako sa mood kanina sa school pa lang.
Parang hindi nila ramdam na mahal ako ni Jerome, iniisip nila na hindi totoo yung nararamdaman sakin ni Jerome una kasi nga malayo siya and pangalawa dahil sa mga nakikita nila.
Hayyy. Ayun. Pero kinausap ko rin naman si Pam at hiningi ko yung opinion niya about dun.
Tapos yung classmates ko naman na boys lalo na si Ellie, lagi na lang akong tinatanong kung bakit daw si Jerome. Ano daw ba meron sya, ano raw ba nagustuhan ko sa kanya. Nakakainis sila.. Or maybe concerned lang talaga kasi hindi nga nila kilala si Jerome?

And..
T.T
Nagsigawan sina mommy at ate dito :(((
Iyak nga ako ng iyak eh. Kasi kung ano ano na hinahagis ni mommy. Buti na lang walang babasagin.
Sinasabi ni mommy na di responsableng ina ate ko. Waaaa.
Nagsigawan sila :(((


Thursday, January 24, 2013

Something awesome.

Ayuuuun. I feel so blessed first of all, dahil nakasama ang team namin sa DPSA sa top 30!!!! Over 1,600 entries ata yun. Omg. Pero yun nga lang, I think Darlene deserves it the most. Siya kasi yung pinakanaghirap ehh. Ayun.
Second, because of God!! NagYFC gathering kami ngayon eh. Actually every Thursday siya :)))) I feel really blessed. Thanks Lord!! :))) YOU ARE THE BEST!

Monday, January 21, 2013

I'm baaaaaaaackkkk

Ayun. Dapat kasi hindi ko na talaga 'to bubuksan ulit eh. Naiinis kasi ako. May nakaalam na ba naman ng blog na 'to. :((
Anyway, hindi na rin ako mage-english dito. Hahaha. Kainis eh.
Ang dami nang nangyariiii.
Nabuo ang Dyosasessss ♥ Ako, Veron, Jam, and Mimay.. Grade 4, Grade 5, Grade 6, and Grade 7... Rat, Tiger, Fish, and Monkey. Actually jan sa animals na yan, damay lang kami ni Veron. Hahaha.
Ayun. Mas naging close ako sa kanila plus Rexson na rin. :))
Masaya sila kasama. Share ng problems. Power trip. Ayunn.

Nagpunta ulit siya sa school nung Friday. After 22 fucking days. Grabe sobrang na-miss ko siya. Now, kelan ko kaya ulit siya makikita? Maghihintay na naman ba ako ng sobrang tagal bago ko siya makita ulit? Waaaa :'( Nakakamiss siya sobra. Naalala ko yung kinuwento sa'kin ni Pam kanina.. Sana hindi mangyari sa amin yun. Kasi yung sakanila raw ng ex niya, si Paolo, ayuun. Natutunan niya raw na totoo nga yung 'easy come, easy go'. Ang bilis daw nila nainlove sa isa't isa at ang bilis din natapos ng relasyon nila. Yung tipong sa kanya niya raw naramdaman yung sobrang kilig.. Yung 4 times daw nung kay Trent. Eh ganun din yung nararamdaman ko ngayon sa kanya. Sobrang kilig... tapos ang bilis din namin nainlove sa isa't isa. Ang dami na ring dumaan na problema. Sana naman wag siya magsawa agad. At ako rin sana. Mahal na mahal ko siya e. ♥

Bow.