March 1, 2013
Today is the first day of March!! At ilang days na lang..
graduation na namin..at ilang days na lang magkakahiwa-hiwalay na kami. Okay so
bago ako magdrama dito ng bonggang-bongga, magkekwento muna ako ng mga nangyari
the past days. Dami ko atang hindi naikwento.
Eto muna.. yung sa amin ni Jerome (actually bawal na
banggitin pangalan niya eh, bad word na raw yun) WALA NA. Uhm let me say na
gag* siya. Lol. Ang kapal ng mukha niya grabe. Siya pa mismo nagsabi sa akin na
bumabalik ang pagiging playboy niya. Sht. Tapos ngayon..ayun..meron na nga
agad! Jusko. Tapos close friend pa nung ex niya ha. Grabe naman talaga.
Actually mejo nakakamove on na talaga ako ngayon dahil sa friends ko na puro
masasama ang sinasabi tungkol sa kanya. Ayun. Nasaktan naman talaga ako. Noon
lang ako nagmahal ng ganun. Yung mahal na mahal talaga. Grabe. I trusted him,
pero anong nangyari? :/ Anyway, buti na lang anjan ang friends ko para sa akin.
Nagsorry na nga rin ako sa kanila kasi nagagalit pa ako sa kanila dati eh.
Totoo naman pala mga sinasabi nila.. pati ni kuya. Hayyyy.
Yung overnight kina Jam! Sht sobrang saya lang talaga as
in!! NagHarlem Shake kami, nagtakutan, nanuod ng Shutter pero nakatulog din
naman, nanuod din ng Dead Silence, nagpillow fight!, nagpakavain, kumain ng
maanghang na pancit canton, nagtsismisan, kwentuhan…DEFINE MASAYA talaga.
Kasama ko nun sina Mimay, Pam, Menggay, Airah, Shynne, Joma, Marius, Ellie,
Denzel, at Rexson. Dami namin noh? Sobrang saya talaga hihihi.
Research. Grabe wooo nakapagpabookbind na ako at napirmahan
na rin ni Ma’am de Vera ang bookbound papers koooo! Sure graduate na ba?
Yiiieee. Wala. Ang hirap kaya kasi talaga. Akala ko hindi ako aabot sa deadline
kasi Tuesday eh katatapos ko lang magpaedit. Tapos at that same day, nagprint
ako sa statio at nagpapirma na rin sa panelists. Oh diba bongga! The next day,
umabsent ako, pumunta kami ng Recto ng mama ko para magpabookbind. Grabehan!
Nakakapagod. Haha.
Yung naggGM naman. Ayun. Tinotoo niya nga yung sinabi niya.
Ako na nga yung sinunod niya L
User daw ako. Pero di ako nagpaapekto kasi di rin naman totoo yun :P
Habang tumatagal, lalo naming nasasabi at napapatunayang
masaya kami sa piling ng bawat isa. Sa school, pag magkakasama kami, lagi
kaming masaya, hagalpak sa kakatawa, nao-autistic, special kami eh! Pero pag
umuuwi ng bahay, biglang nalulungkot, yung mararamdaman mo at mapapasabi ka ng,
‘sana nasa school na lang ulit ako’. Yung para bang uhaw kami sa presence ng
bawat isa. WOW. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong saya pag kasama mga
kaibigan ko, kung gano ko sila namimiss. At close na rin kasi yung boys at
girls sa section naming eh, not all pero in general, yes. Masaya sila kasama
eh. Hayyy. Mamimiss ko talaga ang pagiging HS student ko, lalo na ang pagiging
4H student at anak ni Ma’am Ligsa. I’ll miss everyone, seriously.