Life isn't about waiting for the storm to pass, it's about learning to dance in the rain
Showing posts with label text. Show all posts
Showing posts with label text. Show all posts

Saturday, September 8, 2012

Continuation..

slr. kakatapos lang maglaro...
ok naiintindihan kita...
unang una, ndi ako naasar dahil mahilig ka sa kpop.
.
ikaw ang pipiliin ko, hindi si kim.
marami na rin tayong napagsamamahn, mapangit kung itatapos na lang natin. tska ampangit kung bigla na lang kitang ipagpapalit kay kim...
kasalanan ko na nahulog ako kay kim, at mali yung mga ginawa ko kaya ndi ko na lang pagpapatuloy...
.
ang gusto ko na lang mangyari...


ganito...
cge nirerespeto ko yung sinabi mo na hindi mo matutmbasan yung pagmamahal na binibigay ni kim saken..
.
at hindi naman kita iiwan ng dahil lang dun...
high school pa lang naman tayo...
naiintindihan mo ba yung point ko?
uhm pwede namang hindi tayo o hindi muna tayo nagpaparamdam lagi sa isa't isa...
marami pa tayong iniintinding bagay...
unang una na yung research...
kaya ang gusto kong mangyari., yung nangyayari na lang nung mga nakaraang buwan... parang dati lang...
.
kahit tinginan lang tayo, bihira lang na magkasama, chat lang nkakapag-usap.., masaya naman tayo diba... ndi rin naman cguro nkakasira ng studies kc,nagtutulungnan naman tayo dun, sa mga assignment...
yun... maintindihan mo sana

Uhmm.

FIRST TEXT
uhhmmm....
FIESTA. diba pinipilit kita nun na magpunta samen pero ayaw mo kasi nahihiya ka. nabadtrip ako sayo nun kasi naman mag-iisang taon na tayong magkakilala e mahiyain ka pa rin saken...

SECOND TEXT
simula nun, tinest kita.
tinignan ko kung magpaparamdam ka ba simula nun, hindi ako nagpaparamdam nun diba?
.
yun... hindi ka na talaga nagpaparamdam, unti-unting pumapasok sa isip ko na ayoko na, suko nako, pagod nako, pansin ko rin kasi paulit ulit na lang lagi ang nangyayari e...

THIRD TEXT </3
hanggang sa dumating na sa point na ayoko na talaga.
pagkatapos nun biglaan na lang akong nagkakafeelings kay kim.
nung nangyari na nga yun, sakto naman sakto naman at nagparamdam ka na saken, nung nag-pm ka saken sa fb.
umiyak ako nung gabing yun kc, gulong-gulo na isip ko...
oo mali talaga na magkagusto ako kay kim, pero hindi ako makapagpigil ng nararamdama nun, nagpadala na lang ako, na naman haha

FOURTH TEXT </3
yung feelings ko na yun kay kim, shinare ko yun sa mga katropa ko as a secret lang.
edi syempre sabi nga nila mali nga daw yun, gago daw ako, at talaga naman haha
shinare ko kay ate trisha, nagpaaway nako. alam kong magagalit sya. sabi nya pag-isipan ko daw muna ng mabuti, mga 1 week.
si kim lng tlga nasa isip ko nung mga araw na yun, wala ako sa sarili amp....

FIFTH TEXT
kaya yun, mali ang ginagawa ko pero pinagpatuloy ko pa rin. pinormahan ko si kim. the night after mag-pm ka saken, sinabi ko na sa kanya agad.
*pero eto lilinawin ko...
ang sabi ko sa kanya, kahit may gusto ako sa kanya, walang ilangan, at FRIENDS lang kami...

SIXTH TEXT
pero eto nangyari, last tuesday, physics time, nasa math kab tayo. nagising ako ni joma.
alam mo naman yung tono nun pag nangongonsensya na parang nagjojoke lang. sabi niya "dati siya katabi mo, ngayon si jervie na. dati siya mahal mo, ngayon si kim na"
natauhan nako nun.
tulala ako nun maghapon, nag-iisip.

SEVENTH TEXT
tapos nun kinausap ko si kim, ay text lng pla...
nagsori ako, napakalaking kasalanan ang ginawa ko...
lumalabas e rebound ko lang sya...
.
cnabi nya rin na nagkakagusto na sya saken (tinanong ko)
ugh nagsori ako, naiintindihan nya raw...

EIGHTH TEXT
Zyrah sorry nga din pala
sinabi mo dati na napakasama mo...
hindi naman, kung masama ka nga,
mas masama pa rin ako...
.
bilib nga ako sayo kasi nakapagparamdam ka pa sakin kht ndi na kita pinapansin...

------------------------------------------------------------------------------------------
meron pang mga kasunod na texts, pero not that important, though.


MY SIDE:
uhm. okay. i just wanna react on one thing.. yung tungkol kay kim..
ganito kasi yun.. sinabi ko kay kim dati na nagbago na siya.. natutuwa na ako kasi... parang di na siya bruha? lol sorry for the term, di ako makapag-isip eh. ayuun. tahimik na kasi siya..
tapos dati.. parang nalink din silang dalawa sa classroomm though alam nilang may something samin.. di ko na lang pinansin kasi sinabi naman sakin ni kim na may iba naman daw siya, and i trust her with that. pati si M, i trusted him.. then ayun, nawala na yung issue na yun..
tinutukso pa nga kmi dati ni kim.. kaya nawala na talaga yun ng tuluyan sa isip ko.
and one more thing, di ko na rin magawang magselos ng sobra ngayon.. di gaya dati..
then ayun nga, napansin kong bigla silang naging close.. uhm walang masyadong naging problema sakin dun kasi alam kong may kasalanan nga ako kay M, tsaka andun pa rin yung trust ko kay kim na di pwedeng mangyari yun kasi lagi kong isinisiksik na di nya magagawa yun, sinabi nya sa akin dati na may iba syang gusto.. pero habang tumatagal, nakakaramdam na ako ng kakaiba sa kanila.. pero di ko na lang talaga masyado pinapansin..
meron pa ngang instance na bigla akong napapadaan sa harap nila, tapos magkaharap sila, nakatayo, narinig ko 'pangit ka', 'mas pangit ka' .. dun... mejo... ang awkward kasi.. hello?? dumaan po ako, nasa harap niyo po ako, then ganun makikita ko? okay. di ko pa rin nagawang magalit dun, di ko na lang din pinansin.
lagi silang magkasama, magkatabi, teka, meron pang isa, naglalaro kami ng nakakatakot nun.. tapos silang dalawa lang nasa likod, nakaupo sa lapag, sobrang magkatabi.. di ko na lang ulit pinansin, hehe.
tapos isang time ulit, biglang nagtanong si ma'am de luna na kung sino raw ba nanliligaw kay kim. sabi nila si mhyllie daw, tiningnan ko mga reaksyon nila.. parang wala namang nangyari.. si mhyllie.. ano nararamdaman niya? ewan ko.. wala siguro syang pakelam. or irdk.
hindi ko na magawang magalit ng matagal sa isang tao ngayon. ewan ko ba. hehe. good for me. ewan ko. nasaktan ata ako ngayon kasi di ko akalaing magagawa yun ni kim. ugh. i don't actually hate her right now, ewan ko, baka magka-ilangan na.  and i can see na, siya rin yung gumagawa ng way para magkalapit sila ni M. uhm. idk if it's a sin. pero no strings attached on both sides. di kami ni M, di rin ATA sila ni Mhyllie. so idk. you decide.
as for M, mejo.. nadisappoint lang ako, naisip ko na rin na pwedeng mangyari yun, na magsasawa na siya, pero nagawa nya talga. ewan ko.. di ko na alam kung anong mangyayari.

KPOP. I need to watch some funny sj vids. need to make myself happy..

Saturday, April 21, 2012

Shoot. Ano ba 'to :'(

Someone texted me. Ooops..

"lately, pansin mo naman, d tayo nakakapagchat or txt.
sa kakalaro ko at kakagawa ng ibang bagay, nawalan nako ng oras sayo. kya sorry...
.
kya rin nmn d kita kinakausap noon kc nga nagtampo na naman ako sayo nung d ka nagrereply sa txts ko...
ngayon e narealize ko na ako pla ang mali...
nagpadala agad ako sa naramdaman kong lungkot at sama ng loob kya d agad kita naintindihan...
kya sorry ulet :(
.
sana patawarin mo nako sa nagawa ko. alam ko na naman sa sarili ko na mali yung ginawa ko.
ayokong sabihing d n to mauulet, kc d rin nmn natin msasabi, bka nga maulet pa. pero wag naman sana...
wag mo akong alalahanin kung nasasaktan ako paminsan-minsa, ok lang yun kc madali lng nmn ako magpatawad. tska ganun tlga pag nagmamahal, dapat handang masaktan at magsakripisyo...
.
dapat mas maaga ko pa to sinabi eh.
sorry kung late na.
haayyy andrama ko, pasensya na. sorry na tlga
andami ko ng sorry :("


Yes. Someone texted me... from someone special. I don't know... I used to like him. But... I can't feel the love these days.. And I really don't want to get into a relationship yet.. So anyway, I won't say the name first.. I'll just blog about it some other time.. Ugh. I feel so guilty but it's like I'm the one who has the problem that's why we're not texting with each other. Actually, it's like I'm also avoiding him. I guess, I'm not feeling the same way as what I've felt before :((
Sorry...
Sorry :(