Life isn't about waiting for the storm to pass, it's about learning to dance in the rain

Sunday, March 3, 2013

Heyyy


March 1, 2013
Today is the first day of March!! At ilang days na lang.. graduation na namin..at ilang days na lang magkakahiwa-hiwalay na kami. Okay so bago ako magdrama dito ng bonggang-bongga, magkekwento muna ako ng mga nangyari the past days. Dami ko atang hindi naikwento.
Eto muna.. yung sa amin ni Jerome (actually bawal na banggitin pangalan niya eh, bad word na raw yun) WALA NA. Uhm let me say na gag* siya. Lol. Ang kapal ng mukha niya grabe. Siya pa mismo nagsabi sa akin na bumabalik ang pagiging playboy niya. Sht. Tapos ngayon..ayun..meron na nga agad! Jusko. Tapos close friend pa nung ex niya ha. Grabe naman talaga. Actually mejo nakakamove on na talaga ako ngayon dahil sa friends ko na puro masasama ang sinasabi tungkol sa kanya. Ayun. Nasaktan naman talaga ako. Noon lang ako nagmahal ng ganun. Yung mahal na mahal talaga. Grabe. I trusted him, pero anong nangyari? :/ Anyway, buti na lang anjan ang friends ko para sa akin. Nagsorry na nga rin ako sa kanila kasi nagagalit pa ako sa kanila dati eh. Totoo naman pala mga sinasabi nila.. pati ni kuya. Hayyyy.
Yung overnight kina Jam! Sht sobrang saya lang talaga as in!! NagHarlem Shake kami, nagtakutan, nanuod ng Shutter pero nakatulog din naman, nanuod din ng Dead Silence, nagpillow fight!, nagpakavain, kumain ng maanghang na pancit canton, nagtsismisan, kwentuhan…DEFINE MASAYA talaga. Kasama ko nun sina Mimay, Pam, Menggay, Airah, Shynne, Joma, Marius, Ellie, Denzel, at Rexson. Dami namin noh? Sobrang saya talaga hihihi.
Research. Grabe wooo nakapagpabookbind na ako at napirmahan na rin ni Ma’am de Vera ang bookbound papers koooo! Sure graduate na ba? Yiiieee. Wala. Ang hirap kaya kasi talaga. Akala ko hindi ako aabot sa deadline kasi Tuesday eh katatapos ko lang magpaedit. Tapos at that same day, nagprint ako sa statio at nagpapirma na rin sa panelists. Oh diba bongga! The next day, umabsent ako, pumunta kami ng Recto ng mama ko para magpabookbind. Grabehan! Nakakapagod. Haha.

Yung naggGM naman. Ayun. Tinotoo niya nga yung sinabi niya. Ako na nga yung sinunod niya L User daw ako. Pero di ako nagpaapekto kasi di rin naman totoo yun :P
Habang tumatagal, lalo naming nasasabi at napapatunayang masaya kami sa piling ng bawat isa. Sa school, pag magkakasama kami, lagi kaming masaya, hagalpak sa kakatawa, nao-autistic, special kami eh! Pero pag umuuwi ng bahay, biglang nalulungkot, yung mararamdaman mo at mapapasabi ka ng, ‘sana nasa school na lang ulit ako’. Yung para bang uhaw kami sa presence ng bawat isa. WOW. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong saya pag kasama mga kaibigan ko, kung gano ko sila namimiss. At close na rin kasi yung boys at girls sa section naming eh, not all pero in general, yes. Masaya sila kasama eh. Hayyy. Mamimiss ko talaga ang pagiging HS student ko, lalo na ang pagiging 4H student at anak ni Ma’am Ligsa. I’ll miss everyone, seriously. 

Thursday, February 14, 2013

Today is Thursday.

Ang lungkot ko nga ngayon tae. Shet Valentine's day ba talaga? Lol. Okay wala lang. Kasi naman.... di kami nagkita. Hayy. I have to be understanding. Eh lagi ko naman ginagawa yun.. bakit di pa ako nasanay? Pero seryoso.. naiinis ako kanina sa room pag nakakakita ako ng may hawak na roses, bear, chocolates. peste. bitter ba? Ewan ko. Nakakainis lang. Ahhhhhhhhhhhhhh tae.
Nagdate naman ako kasama si Mimay at Rexson. Okay na yun. Atleast diba..
Ayuuun. Si Veron. Waaa natutuwa ako sa kanya. Kahapon nga kasi diba wala ako sa school eh may pinasa silang scores. Ayun. Tinulungan ako ni Veron mag-asikaso. Tapos ayos lang sa kanya na matulog ako sa lap niya habang nilalaro niya phone ko. Nung Math din.. may kelangan na scores tapos siya gumawa nung akin. Nung kelangan din ng journal sa Math.. sasamahan niya pa ako kay Zymon para lang manghingi ng photocopy ng journal sa math waaaa. Share din kami lagi sa foods. Siya nga lang ang taong lagi kong nililibre kasi sa totoo lang, minsan lang ako manlibre ng kaibigan. Lol. Eh ewan ko, kay Veron ayos lang sakin. Kambal nga kami eh. Waaaa. I am lucky to have heeeer <3
Tapos nagsayaw nga pala kami. Jusko fail kamo. Pero sabi nila ang cute ko daw at ayos lang naman daw. Hayyy atleast positive yung comments nila. Well.. pwera nga lang sa damit kasi shorts. Ehhhhh bawal sa school. Hahaha okay nevermind. Ayun so hindi rin kami kasama sa top 3 sa DPSA huhuhu.
Mejo nagtampo din ako kay Jhudz nung uwian.. Kasi late na nun. Eh gusto ko na umuwi.. May kasama naman siya.. Ako wala.. Ehh may dumaan nang bus.. marami pa ang pwede sumakay. Eh kaso si Mary Joy yung tinitingnan niya. Hayyy. Sakit na nga ng paa ko eh. Di ako makalakad ng ayos.
Nung uwian.. naghihintay ako ng bus. Ako nakatayo kahit may pwede namang upuan. Sina Joma hindi pa umuuwi. Lumapit sila sakin. Kasama si Marius. Bakit daw wala ako sa mood. Naiiyak nga ako nun eh. Ewan ko ba kainis. Pang-asar pa tanong ni Jose Mari. Bakit daw parang walang dumadalaw sakin ngayon. Shet ang sakit kamo. Hayyyy..Bakit ba kasi ganito :'((( Para tuloy akong loveless.
Mas masaya pa ata ako ng normal na araw lang sa school kesa ngayon.
Tapos may nabasa pa akong comment dun sa isang picture niya na kung san daw date nila ni *insert name ni ex* ANG SAKIT LANG KAINIS

Tuesday, February 12, 2013

So depressed :'(

Grabe nanlambot ako nung nakita ko yung general average ko nung 3rd grading. Di ako nag-eexpect ng mataas na grades kasi alam ko naman na mejo sumemplang nga mga outputs ko. Pero di ko naman akalaing ganun kababa. Grabe. Nanliliit ako. Feeling ko ang bobo ko na talaga. Shet talaga. Grabeeee gusto ko umiyak pero parang may pumipigil sakin na wag. Ugh naisip ko kasi na hindi lang talaga grades ang basehan at mejo kampante na ako kasi may papasukan naman na akong university. Pero kahit naaaa. Huhuu. Lalo na sa Physics ugh grabe. I am really not good with Science eh. Any field jusko naman. LORD PLEASE HELP ME WITH MY STUDIES :-((( Ayoko rin sabihin nila na si J ang dahilan kung bakit. Nahihiya na rin ako sa mama ko. Waaaa. Buti na lang may scholarship pa ako.. nakapasa ako. Waaaa. Pati yun di ko rin ineexpect ehh. Lord. Siguro para sakin talaga 'to. Para marealize ko talagang hindi lang naman sa grades nababase ang future ko. Kasi ngayon sa totoo lang.. mas magaling lang talaga silang mangopya kesa sakin lol. Tas feeling ko babagsak na naman ako sa PEH. Tae tapos what if ipahiya ako ni Sir Tom.  Oh kaaayyy. :-)
Smile pa rin ako. Kanina depressed ako pero nakakangiti na ulit ako ngayon. Ewan ko kung bakit. Thank you Lord! :-) Siguro may darating na good news noh? Yeyyy.

Still praying to be on the top 3....

Sunday, February 10, 2013

Sana ganito ka.

1. Bigla akong kakantahan.
2. Ipagtatanggol ako sa mga kaibigan niya (if ever may umaaway man)
3. Ipaglalaban ako.
4. Isusurprise ako.
5. Sakin lang siya titingin.

Saturday, February 9, 2013

Smile.

Natutuwa ako sa sarili ko kasi nagiging positive thinker na ako. Nagagawa ko pa rin ngumiti kahit namomroblema na. Narealize ko kasing nakakaganda ng mood ang pagngiti eh :-) Kaya smile lang tayo lagi ah? Kakayanin naman natin lahat ng problemang dumadating eh, tiwala lang sa sarili at kay God syempre. :-)))

Friday, February 8, 2013

All the pain

Ugh so here it goes. Naiinis lang ako. Or maybe hindi naiinis pero nagtatampo? Or something like that. I can't find the right term.
Una, hindi niya ako igu-goodluck sa interview ko sa PNU kung hindi ko pa sasabihin sa kanyang interview ko na nun. As in that very day. Hindi ko raw sinabi sa kanya na interview ko eh nasa GM ko naman yun lagi. So ano yun, di nya binabasa mga GM ko?
Yung sa DPSA, yung kasama kami sa top 30. Di niya rin ako kinongrats. Nagsabi lang siya ng 'nice'. Hayyy.
Then hanggang sa nakasama kami sa top 5. Wala pa rin. Na-feature na kami sa newspaper wala pa rin. Bakit ba siya ganyaaaan.
Eto pa.. dati pa 'to pero pinalagpas ko na lang. Yung picture niya na may kasama siyang 5 girls yun. Yung isa, nakahawak pa sa kanya. Sabi nga nina Jam sabihin ko raw yun sa kanya eh, kaso sabi ko naman, ayoko kasi maganda yung mood namin, ayoko lang masira. So that was done.
Di niya ako finofollow sa instagram. Hindi sa naghahabol ako ng followers. A BIG NO. It's just that....diba dapat i-follow niya ako? Ugh do you get me guys?
Nagla-like siya ng pictures ng ibang babae. Diba dapat... ako lang? Tae naiinis talaga ako. Ginawa ko? Gumanti ako. Naglike din ako ng pictures ni kuya Raymond. Yun nga lang, baka wala lang sa kanya.
Isa pa. Di niya pa binibigay sakin yung new number niya. Diba dapat kusa niya yun sabihin sa akin?
Tae naiiyak na ako. Di ko alam na ganito na pala karami yung 'disappointment' ko sa kanya. Ang dami kong pinalagpas. Hinahayaan ko na lang. Ganito naman talaga dapat eh? Kasi bawat pangyayaring yan, iniisip ko na maliit na bagay lang yun. Pero pag pinagsama-sama mo pala, ang dami na. Ang sakit lang </3 Para tuloy pakiramdam kong wala siyang pakelam sakin kahit sabihin niya pang meron :'((

Saturday, February 2, 2013

Hello Feb

Friday.
And yes, I really started my February great. I just smiled and didn't think too much problems. Well, there was a bit of problem. I had to give attention to my card yesterday. Our grades were not yet done but Ma'am Ligsa was able to take care of that. Since Joma and I really needed it, we had sacrifices. Lol what. I didn't attend the flag retreat, I went from building to building, I talked to teachers, and we even went to Ma'am Ruby's house just for our grades to be complete.

Saturday.
Yayyyy I had my interview in PNU today. It was actually great. I am hoping that I'd pass. Please Lord let meeee paaaaaasss. I met 2 new friends today!! After we had our interview, we went around the campus. Oh and yeah, the results will be posted on Feb. 11. I am a bit nervous. Hoping to see those 2 gals soon! :)
Oh and yeah, the UPCAT result was already out today. I didn't pass. Not that disappointed but I want to prove something to those who hates me. Well, God has better plans for me :)
Almost forgooooot! My mom already bought me a new phone today. It's Cherry Mobile Omega. It's big. Seriously. And its OS is Jellybean, the latest one! I am enjoying it now, but disappointed with the front camera. lol. Okay that's it byyyeeee.